Hinuli ng mga otoridad sa Texas ang isang babae dahil sa di-umano’y pagtanggi nito na bayaran ang kinaing cake sa isang grocery store.
Ayon kay Jeff Hughes, spokesman ng Wichita Falls Police Department, nakatanggap umano sila ng report mula sa Walmart grocery store patungkol sa isang babae na kinain ang kalahati ng cake at hindi nagbayad.
Tumanggi ang mga otoridad na pangalanan ang suspek.
Napag-alaman din ng mga otoridad na matagal nang ipinagbabawal na makapasok sa nasabing grocery store ang babae ngunit sa hindi malaman na dahilan ay nakapuslit ito mula sa security guard.
Noong Enero, ay may kaparehong pangyayari na rin sa grocery store.
Nangyari umano ito sa Wichita Falls Walmart kung saan nakatanggap ng mensahe ang mga otoridad hinggil sa isang babae na uminom naman ng wine mula sa Pringles can habang nakasakay sa isang electric shopping cart.
Nahuli naman ng mga otoridad ang suspek sa isang restaurant malapit sa grocery store.