-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos na tagain sa Kasadya St, Brgy. Poblacion 6, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Joselita, 54-anyos, residente ng Purok Bagong Buhay, Brgy. Ibabang Talim, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pumunta ang biktima sa bahay ng suspek na si alyas Marie, 51-anyos, residente sa lugar upang komprontahon ito patungkol sa umano’y pagkakaroon nito ng relasyon sa kanyang live-in partner.

Sa inisyal na imbestigasyon naman ng mga otoridad, nabatid na dahil sa pangyayari, nagkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawa.

Dito na umano pumasok sa bahay si Alyas Marie at ng lumabas ulit ay mayroon ng dala-dalang gulok at tinaga ang biktima na tinamaan sa kanyang pulsuhan. Hindi pa nakuntento ang suspek at pinagbantaan pa nito ang biktima na papatayin.

Kaagad naman na inawat ng anak ng suspek ang kanyang Ina habang kaagad naman na dinala sa ospital si alyas Joselita.

Sa ngayon, patuloy ang pagpapagaling ng biktima sa ospital dahil sa tinamong sugat dahil sa insidente. Habang mahaharap naman sa karampatang kaparusahan ang suspek dahil sa ginawa nito.

Kaugnay nito, nagpa-alala naman ang mga otoridad na magin mahinahon sa pagresolba ng problema, kung mayroon aniya na hindi pagkakaintindihan mas mabuti na hingin ang tulong ng mga barangay officials upang maiwasan na magkasakitan at mauwi sa malagim na insidente.