-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Sugatan ang isang babae sa Negros Occidental matapos umanong tamaan ng kidlat sa Bago City.

Kinilala ang biktima na si Isabelita Pateño ng Brgy. Busay.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Brgy. Chair Eddie Roque na pasado alas 8:00 ng gabi nang bumuhos ang ulan sa kanilang lugar. Kasunod nito nang tamaan naman ng kidlat ang biktima mula sa loob ng kanilang bahay na gawa umano sa light materials.

Nasunog umano ang ilang bahagi ng katawan ni Pateño.

Hindi naman naapektuhan ang kanyang mga kasama sa bahay.

Agad naisugod sa Bago City Hospital ang biktima pero inilpat din sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital dahil seryoso umano ang tinamong injury nito.

Read in Ilonggo