-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang babae sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Alyas Baican na residente ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office (CCPO) na angkas ng motorsiklo ang biktima sa bahagi ng Kanto Mabini, TV Juliano, Barangay Poblacion 6 sa syudad ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Agad dinala ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Police Precinct 1 ng CCPO sa pamamaril sa biktima.