-- Advertisements --

Pumasok na sa wrestling ang anak ni WWE legend Dwayne “The Rock” Johnson.

Sinimulan na kasi ng 18-anyos na si Simone Johnson ang kaniyang pagsasanay sa WWE.

Sinabi nito na hindi lamang ang kaniyang ama ang sinusundan nito ng yapak at maging ang kaniyang lolo.

Sinabi nito na may personal connection sa kaniya ang wrestling.

Isa aniya itong oportunidad na dalhin ang legacy ng kanilang pamilya.

https://www.instagram.com/p/B8aoL6ClqDk/

Nagbigay naman ng suporta ang ama nito at labis na ipinagmamalaki ang babaeng anak.

Nagpost naman ng larawan nila ng ina nitong si Dany Garcia at nagpapakita ng suporta sa anak.