Naging matagumpay ang ginawang kauna-unahang biyahe sa International Space Station ni NASA astronaut Christina Koch.
Umabot sa 328 na araw ang pananatili nito sa kalawakan kasama ang kapwa babae na sina NASA astronaut Jessica Meir.
Unang naglakad ito sa kalawakan noong Oktubre 18 at nakabalik kasama sina European Space Agency astronaut Luca Parmitano at Russian cosmonaut Alexander Skvortsov lulan ang Soyuz spacecraft at lumapag sa Zhekazgan, Kazakhstsan.
Nakumpleto nito ang anim na spacewalks at nanatili ng 42 oras at 15 minuto sa labas ng station.
Nagsisilbi kasi ang space station na umiikot sa laboratory na maaaring gamitin para suriin ang iba’t-ibang aspeto ng human life sa mundo kapag walang gravity.
Nahigitan nito ang record na nagawa ni Peggy Whitson na nanatili sa kalawakan ng 288 araw subalit hindi pa nalagpasan ang record ni NASA astronaut Scott Kelly na mayroong 340 araw.