-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril patay sa isang babae sa Purok Magnolia, Barangay Calumpang, sa lungsod ng Heneral Santos.

Kinilala ang biktima na si Cindy Cabuguas Petcha, 47 taong gulang, isang cook, na may live-in partner at isa umanong Purok official.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tatlong hindi kilalang lalaki ang suspek sa pamamaril.

Ayon kay Police Major Robert Fores, Chief of Police Calumpang Police Station, habang ang biktima ay naglilinis ng kainan na kanyang pinagtatrabahuan ay biglang may sumulpot na dalawang lalaki at bigla siyang pinagbabaril nito ng apat na beses na naging sanhi ng biglaang pagkamatay nito.

Samantala, ang isa pang lalaking suspek ay mabilis na tumakbo sa kotse na may dalang baril at lumayo sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon, paghihiganti ang nakikitang motibo ng otoridad sa krimen.