-- Advertisements --

Hinarang at isinagip ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng biktima ng human trafficking sa NAIA terminal 3.

Ang naturang babae, na hindi inilabas ang pagkakilanlan, ay nagsabing nirecruit umano siya ng isa ring babae na nakilala nikya sa isang bar 3 buwan ang nakakalipas.

Unang sinabi ng babae na magbabakasyon lamang siya sa Hong Kong ngunit kalauna’y itinangi ito, nang madiskubre ng secondary inspectors na peke ang kanyang dala-dalang mga dokumento.

Sa huli ay inamin ng biktima na ibinigay ng kanyang recruiter ang mga dokumento, isang araw bago ang kanyang pag-alis.

Sa ngayon ay hindi na ma kont6ak ng biktima ang naturang recruiter.

Ayon pa sa biktima, magtatrabaho umano siya bilang club freelancer at pupunta ng Hong Kong para mag-renew ng kanyang visa.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang insidente ay nagsisilbing paalala para maiwasan ang mapanlinlang taktika ng mga illegal recruiter.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng BI ang babaeng biktima ng human trafficking.