-- Advertisements --
Kinansela ng babaeng Iranian boxer na si Sadaf Khadem ang pag-uwi niya sa kanilang bansa dahil sa napipintong pag-aresto sa kaniya.
Ito ay matapos na manalo siya laban kay French boxer Anne Chuavin sa isang amateur bout.
Siya rin ang kauna-unahang boksingerong babae sa Iran na lumaban sa isang official boxing match.
Lumabas kasi ang usapin na ito ay aarestuhi dahil sa paglabag sa dress code na pagsuot ng shorts at vest.
Sinabi pa ng 24-anyos na boksingero na balak niyang makauwi sa mga susunod na mga araw kasama ang French-Iranian trainer.