-- Advertisements --

Nagwagi ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India.

Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship.

Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom noong 2018.

Zareen ang pang-limang babaeng boksingero sa India na nagwagi ng gold medal na sinundan niya sina Sarita Devi, Jenny RL at Lekha KC.

Bumuhos naman ang pagbati kay Zareen sa pangunguna ni Prime Minister Narendra Modi.