-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Suwerteng nasugatan lamang ang isang kagawad matapos barilin sa Barangay Bobonon, Alang-Alang, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Rowena Lagradilya, 39-anyos na nakatira sa naturang lugar.

Ayon kay Pol. Lt. Fidel Triste Jr., hepe ng Alang-Alang Municipal Police Staion, batay sa kanilang paunang imbestigasyon ay may pupuntahan sana ang barangay kagawad nang bigla itong harangin ng isang hindi kilalang lalaki at agad binaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang tagiliran ang biktima na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.

Mabilis namang tumakas ang suspek na tinutugis na ng kapulisan.