-- Advertisements --

Arestado ang isang babae na sangkot sa online sex show at matagal ng wanted dahil sa pambubugaw ng mga menor-de-edad sa Taguig,City.

Ikinasa ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ukol dito.

Natunton ng CIDG ang suspek mula sa sumbong ng confidential informant.

Nakilala ang suspek na si Ma. Lorena Regalona, alyas Rhea, na ilang taon nang pinaghahanap ng mga pulis.

Ayon sa CIDG kasabwat pa umano ang pamilya ni Regalona sa paggamit ng mga bata mula sa kanilang lugar sa mga online sex show na pinapanood ng mga suki nilang foreigner.

Nahaharap si Regalona sa mga kasong qualified trafficking in persons na may parusang habambuhay na kulong at multang aabot ng P5 milyon.

Kakasuhan din siya ng paglabag sa batas laban sa pang-aabuso ng mga bata.

Kasalukuyang nakakulong sa CIDG detention cell ang suspek.