BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 19 anyos na estudyanteng babaeng buntis at kritikal naman ang 21 anyos na live in partner nito matapos maaksidente sa Brgy Bari, Mangaldan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PLt. Col. Ronald Cabatan. Chief Officer ng Mangaldan PNP, gabi nang mangyari ang aksidente.
Binabaybay ng magkasintahan ang daan papuntang Dagupan. Papaliko na sana aniya ang mga ito sa naturang brgy nang mahagip ng mabilis na SUV ang likuran ng kanilang sasakyan na siyang dahilan ng pagkatilapon nila paharap.
Isinugod pa ang mga biktima sa malapit na pagamutan ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ang 19 anyos na babae at nakapagtamo naman ng mga malubhang sugat ang live in partner nito at kasalukuyang nasa kritkal na kondisyon.
Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang suspek matapos nito agarang takbuhang ang insidente ngunit ayon kay Cabatan, mayroon na silang lead na makakapagtukoy ng kinaroroonan nito.
Mahaharap naman sa kasong reckless imprudence at attempted homicide ang suspek.
Nananwagan naman si Cabatan na agad makipag ugnayan sa kanilang himpilan ang makakakita ng suspek