Matagumpay na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang babaeng Chinese national na pinaghihinalaang nakapagpasok ng ilegal sa bansa sa pamamagitan ng ng pag-iwas sa inspeksyon sa port of entry.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang subject ay kinilalang si Zhang Zimo, 23 anyos na nahuli sa NAIA Terminal 3 na naaresto noong Hunyo 15 habang pasakay ng flight patungo sa Guangzhou, China.
Aniya, tinanggihan si Zhang ang departure clearance matapos mapansin ng immigration officer na nagsuri sa kanyang passport na wala itong BI arrival stamp.
Batay sa system ng BI, lumalabas na walang datos na dumating ito sa bansa.
Kaugnay nito ay ipinag-utos na rin ni Tansingco na imbestigahan kung sino ang responsable sa naturang insidente.