-- Advertisements --

Davao City- Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ng New Corella, Davao Del Norte kung ano ang motibo ng pagbaril patay sa isang guro,dakong hapon.

Ayon sa mga otoridad na patuloy ngayon ang kanilang imbistigasyon upang matukoy ang salarin. Inaalam din ng mga otoridad ang mga CCTV sa paligid sa nangyaring krimen upang matukoy kung sino ang bumaril na nakamotor sa isang public school teacher. Nakilala ang biktima na si Grace Aragay Galfo na residente sa Poblacion New Corella, Davao Del Norte.

Ayon sa mga nakasaksi, dumating ang biktima sa harapan ng kanilang bahay na sakay ng kanyang motor, pagkatapos na-ibaba ang kanyang anak dito na umanong walang humpay na pinagbabaril ang guro na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon may person of interest ng tinutukan ang pulisya sa nasabing krimen.