-- Advertisements --
(Update0 TUGUEGARAO CITY – Blangko pa ang mga otoridad kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa pagbaril-patay sa babaeng human resource management officer ng Flora, Apayao.
Sinabi ni police chief Master Sgt. Efren Pelagio,hepe ng PNP Flora, dead on the spot si Catherine Ortega, 57.
Ayon kay Pelagio, pauwi na umano ang biktima mula sa kanyang trabaho nang barilin ng riding in tandem suspeks sa Brgy. Poblacion, Flora.
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Sinabi pa ni Pelagio na sa kanilang pagtatanong sa asawa at mga kapitbahay ng biktima, wala naman umano silang alam na nakaalitan o galit sa kanya.