-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ang dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa babaeng naaresto sa ikinasang buybust operation pasado alas 9:30 gabi ng Miyerkules sa may Purok-11, Barangay Ong Yu nitong lungsod ng Butuan.

Isinagawa ang operasyon sa mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Caraga) at Butuan City Police Office Station 2.

Kinilala ni Dindo Abellanosa, Regional Information Officer sa PDEA-13 ang suspeka na si Jamemah Mapandi alias Nadine na natukoy ang tunay na pangalan na si BERNADINE MONATO kung saan nalalagay sa Target Listed o High Value Target.

Nakuha sa posisyon sa suspek ang pinaniniwalaang shabu na aabot sa 10 gramo na nagkakahalaga sa P68,000.

Ayon kay Abellanosa matagal nang minaman-manan ang suspek kasama sa kaniyang live-in partner na si JONAID MAPANDI alias JUN na nakatakas sa nasabingg operasyon.

Sasampahan ang na-aresto ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II sa R.A. 9165.