-- Advertisements --
Arestado ang isang Irish citizen na naging Islamic State bride ng ito ay umuwi sa kanilang bansa.
Si Lisa Smith at ang anak nitong babae ay na-deport mula sa Turkey at pinabalik sa Ireland.
Sinabi ni Irish Minister for Justice Charlie Flanagan ng Ireland, na kanilang iniimbestigahang mabuti ang nasabing insidente.
Pinag-aaralan naman ng gobyerno ng Ireland kung saan ipapasakamay ang anak ni Smith na ipinanganak sa Syria.
Dating miyembro ng Irish Defense Forces si Smith.
Paglilinaw din nito na hindi ito sangkot sa pakikipaglaban at hindi sumailalim sa pagsasanay na maging fighter.