-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang babaeng itinuturing na High Value Target ng mga otoridad sa isinagawang drug buy bust operation sa Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang pinaghihinalaan ay si Rosalee, 33-anyos, masahista at residente ng Awallan, Baggao, Cagayan.

Nabili sa kanya ng isang PDEA Agent na nagpanggap na buyer ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakita rin sa kanyang bag ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na sampung gramo, isa pang malaking plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may timbang na animnapung gramo at sa kabuuan ay aabot sa P476,000 ang halaga ng mga nakuhang iligal na droga.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong ang suspek sa Bayombong Police Station na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002).

Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa posibleng pinanggagalingan ng suplay ng babae at kung posibleng miyembro siya ng mas malaking grupo ng sindikato.