BAGUIO CITY – Dinomina ng mga taga-Cordilleras ang Top 10 ng PMA MABALASIK Class of 2019.
Iprinisenta ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga nasabing kadete kung saan topnotcher si Cdt. 1CL Dionne Mae Apolog Umalla ng Alilem, Ilocos Sur.
Matatanggap ng 21-anyos na topnotcher ang Presidential Saber, Philippine Navey Saber, Distinguished Cadet Award, Academic Group Award at iba pa.
Si Umalla ang ika-limang babae na naging class valedictorian sa PMA simula noong 1999.
Igagawad naman sa second placer na si Cdt. 1CL Jonatahan Eslao Mendoza ng Sangley Point, Cavite City ang Vice Presidential Saber, Philippine Army Saber at Aguinaldo Saber.
Third placer si Cdt. 1CL Jahxiel Gumapac Tandoc ng Trinidad, Benguet kung saan matatanggap naman niya ang Secretary of National Defense Saber at Philippine Army Saber.
Fourth placer si Cdt. 1CL Daniel Heinz Bugnosen Lucas ng Barlig, Mt. Province; 5th placer si Cdt. 1CL Aldren Maambong Altamero ng Kidapawan City; 6th placer si Cdt. 1CL Richard Balabag Lonogan ng Sagada, Mt. Province; 7th placer si Cdt. 1CL Marnel Dinihay Fundales ng Leganes, Iloilo; 8th placer si Cdt. 1CL Glyn Elinor Buansi Marapao ng Buguias, Benguet; 9th placer si Cdt. 1CL Ruth Angelique Ricardo Pasos ng Pasig City at 10th placer si Cdt. 1CL Daryl James Jalgalado Ligutan ng Sta. Mesa, Manila.
Kikilalanin ding Saber Awardee si Cdt. 1CL Jesriel Alvendia Calimag at Journalism Awardee si Cdt. 1CL Geoffrey Ortega Valdez habang Athletic Saber Awardees sina Cdt. 1CL Kimberly Joy Saliw-an Baculi at Cdt. 1CL Nicolas Crisanto Raguine Guysayko.
Gaganapin ang graduation ceremony ng PMA Mandirigma ng Bayan, Iaalay ang Sarili, Lakas at Tapang, Para sa Kapayapaan (MABALASIK) Class of 2019 sa May 26, araw ng Linggo kung saan inaasahang si Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging guest of honor and speaker.