-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isang babae ang nagtangkang tumalon mula sa Gilbert Bridge sa lungsod ng Laoag dahil umano sa problema.

Base sa impormasyon mula sa PNP-Laoag, ang babae ay residente sa Barangay 17 sa lungsod ng Laoag, may tatlong anak at balo.

Una rito, uminom umano ang babae at umalis sa bahay at nakita na lamang sa tulay, sumisigaw at tinangka pang tumalon.

Makalipas umano ang ilang minuto, at sa pamamagitan rin ng mga nagresponde ay iniabot din ng babae ang kamay nito para mailayo ito sa kapahamakan.

Napag-alaman na ang babae ay dumaranas ng depresyon.

Samantala, kinausap na rin ng mga otoridad ang ama ng babae para hindi na maulit ito at isinailalim sa counseling.