DAVAO CITY – Tiniyak ng tropa ng pamahalaan na magpapatuloy ang kanilang pagsasagawa ng operasyon laban sa mga rebelde na nasa iba pang bahagi ng Davao region.
Ito ay may kaugnayan sa huling insidente kung saan isang babaeng leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Central Committee ang napatay ng tropa ng militar sa kasagsagan ng kanilang isinagawang intensive military operation sa Davao de Oro.
Una ng kinilala ni Captain Mark Anthony Tito, tagapagsalita ng 10th Infantry Division Philippine Army sa Mawab, Davao de Oro ang napatay na rebelde na si Anna Sandra Reyes alyas Kaye.
Ayon pa kay Tito, miyembro si Reyes sa CPP-NPA Central Committee and Secretary of the Regional White Area Committee sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Napatay rin sa isinagawang operasyon ang mga miyembro ng 5th Scout Ranger Company, 2nd Scout Ranger Battalion at 1001st Infantry Brigade sa masukal na bahagi ng Davao de Oro.
Nabatid rin na ang napatay na leader ay bahagi ng 35 na mga miyembro ng elected Central Committee at isa rin sa mga facilitators sa kasagsagan ng distribution ng ballots at accounting sa eleksiyon na isinagawa sa central committee, POLITBURO sa Samar, Leyte noong 2016.
Naging bahagi rin ito noon ng Executive Committee sa pamamahala ng pumanaw na si Julius Giron Alias Nars at sa mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon.
Narekober sa kasagsagan ng operasyon ang mga oba’t-ibang war materials gaya ng M653, M203 Grenade Launcher; SAR Galil Rifle; magazines; ammunition; cellular phones; at iba’t-ibang medical paraphernalia at mga gamot.
Base sa record ng otoridad, si Reyes ay may dalawang standing criminal cases dahil sa kasong attempted murder at murder kung saan walang nirekomenda na piyansa ang korte laban sa kanya.