-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walang kalalagyan sa kaligayahan si Niel Salarda, 40-anyos, may asawa at residente ng No. 71, Omega St., Brgy. Apas, Cebu City matapos masama ang isinumite niyang kantang ‘Puhon’ sa mga semifinalists ng 3rd Bombo Music Festival ng Bombo Radyo Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Salarda na ngayong taon lang siya sumali sa song writing competition kung saan kasama niya sa pag-compose ng kanta ang kaibigang lyricist na si Eugene Ortiz.

Dalawang kanta ang kanyang isinumite sa naturang kompetisyon kungsaan ang isa ay religious song.

Dagdag pa ni Salarda, ang naturang kanta ay may kaugnayan sa isang babaeng na-inlove sa dalawang mga lalaki at umaasang sa darating na panahon ay makapagdesisyon na siya kung sino sa kanila ang kanyang pipiliin.

Pinili naman niyang interpreter ng kanta ang kaibigang si Jessa Mae Abaquita – ang Sinulog Idol 2019 grand champion na taga-Cebu City din.