CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong falsification of public documents ang isang babaeng umanoy nagbebenta ng pekeng Vaccination Card na ngayon ay nasa pangangalaga na ng SCPO Station 1 .
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa SCPO Presinto Uno, natuklasan ng City Health Office ang isang babae na nagbebenta ng pekeng vaccination card sa Old Public Market, Gate 1, Centro East, Santiago City.
Ang pinaghihinalaan ay si Joan Dariano, 31 anyos, may asawa, self-employed at residente ng Abra, Santiago City
Sa pagsisiyasat ni P/Staff Sgt. Jomar Dela Cuesta, nakita ng Market Guard ng City Public Market Office na si Fermin Pineda ang pagbebenta ng pekeng vaccination card ni Dariano na kanyang iniulat sa mga otoridad.
Ayon sa Market Guard, habang rumoronda sa Old Public Market ay nakita niyang nagtitinda ng umanoy pekeng vaccination card ang babae na agad niyang dinakip.
Hinanapan ng market guard ng vaccination card ang pinaghihinalaan ngunit ang kanyang ipinakita ay apat na blangkong vaccination card na may kumpletong pangalan at pirma ng CHO employees, Vaccination brands at date of Vaccination.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa pinaghihinalaan na si Joan Dariano, kanyang inihayag na nabili nito ang pekeng vaccination card sa isang lalaking .
Ayon sa pinaghihinalaan nakumbinsi siyang bilhin ng umano ang apat na blangkong vaccination card sa halagang isang daang piso sa pag-aakalang lehitimo ang mga lagdang nakaimprenta mga nasabing vaccination card.