-- Advertisements --

Naaresto na ng mga kapulisan sa France ang babaeng naging sanhi ng matinding aksidente sa Tour de France.

Desidido si Tour de France Deputy Director Pierre-Yves Thouault na magsampa ng kaso laban sa naarestong suspek.

Magugunitang hawak ng babae ang isang karatula na nakasulat sa “granny and granddad” na nakasulat sa German habang paparating na ang grupo ng mga siklista.

Sumabit ang nasabing karatula sa German rider na si Tony Martin na nagdulot ng kaniyang pagkatumba.

Magkakasunod din na natumba ang ilang mga siklistang sumusunod kay Martin.

Dahil sa insidente ay maraming mga siklista ang umatras sa pagsali sa karera.