-- Advertisements --
Pinaghahanap na ng mga otoridad ang babae na naging sanhi ng pagkarambola ng maraming mga siklista sa opening stage ng Tour de France.
Makikita sa kumalat na video na isang babae ang lumapit sa gilid ng kalsada at may dala itong karatula para ipakita sa telebisyon.
Nabangga ng isang siklista ang karatula at ito ay natumba na ikinatumba rin ng mga siklista na sumusunod sa kaniya.
Mabilis na tumakas ang babae bago pa lamang dumating ang mga otoridad.
Dahil sa aksidente ay ilang siklista ang umatras na sa nasabing prestihiyosong karera.