-- Advertisements --

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang babaeng nagpanggap na intel officer sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon sa airport authorities, nagpakilala ang 32 anyos na suspect bilang intelligence officer ng Philippine Army.

Matapos ang pakikipag ugnayan ng NAIA Authorities sa PNP Aviation Security Group at New NAIA Infrastructure Corp., natukoy ang suspect na si alias ‘Sheena’ na nakatira sa lungsod ng Pasay.

Batay sa report, nakilahok pa ito sa security briefing ng lahat ng mga airport personnel bilang bahagi ng transition process matapos na tuluyang isapribado ang NAIA.

Nagsuot rin aniya ito ng full fatigue uniform at nagpakilala rin bilang security transition team .

Matapos na masuri , lumalabas na wala ang kanyang pangalan sa master list ng mga allowed personnel kaya agad itong inaresto.

Sinampahan na rin ito ng kasong usurpation of authority at false representation sa Pasay Prosecutor’s Office.