-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-isolate na sa ngayon ang babaeng nahuli sa buy-bust operation na nadiskubreng positibo pala sa COVID-19 sa Barangay Gusa, lungsod ng Cagayan de Oro.
Sinabi ni Agora Police Station Commander PCpt. Julius Saluta, hindi muna pinapasok sa trabaho ang mga pulis na umaresto sa babaeng nasa hustong gulang matapos malamang tinamaan ng coronavirus ang kanilang nahuli.
Agad naman umanong nagsagawa nang pag disinfect sa buong police station.
Nilinaw din ni Saluta na hindi nakitaan ng sintomas ang kanyang mga pulis na may close contact sa pasyente.