-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa patung patong na kaso ang isang babae dahil sa umanoy pambubugaw at ginawang pambabastos sa mga pulis sa mismong nilang himpilan sa Brgy. La Torre South, Bayombong, Nueva Vizcaya

Ang suspek ay itinago sa pangalang Jona, 33 anyos, Self Employed, at residente ng Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala naman ang kanyang ibinibugaw na si Shane , 15 anyos, out of school youth.

Habang ang mga hindi iginalang na mga pulis ay sina PMaster Sgt Jay Lemar Lantion, PStaff Master Sgt. Vicente Vilinnic at PMaster Sgt. Ederlyn Calindasion na pawang duty officer nang maaresto ang suspek.

Sa panayam ng Bomb Radyo Cauayan, inihayag ni P Master Sgt. Milter Villanueva, tagasiyasat ng Bayombong POlice Station na inaresto si Jona sa kanilang family house dahil sa sumbong ng ina ng menor de edad na biktima nito na di umanoy kanyang ibinubugaw kapalit ng pera.

Humiling ng Police Assistance ang ina ng biktima para makuha ang anak at ipinadakip ang suspek.

Nanlaban umano ang suspek nang arestuhin at pinagsalitaan ng masasama ang mga otoridad at ina ng biktima .

Nagawang pa ng pinaghihinalaan na ambaan ng suntok ang hepe ng women and children Protection Desk ( WCPD).

Lango sa nakalalasing na inumin ang suspek ng arestuhin ng mga otoridad.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) at Resistance and disobedience to a Person in Authority ang kakaharapin ng suspek.

Si Jona ay kasalukuyan nang nakapiit sa Bayombong Police Station.