-- Advertisements --

Multiple gunshot wounds sa ulo at katawan ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang indibidwal sa nangyaring madugong Mandaluyong shooting incident.

Ito ay batay sa inilbas na autopsy report mula sa bangkay ng dalawang biktima.

Paliwanag ni P/Supt Isidro Carino ng PNP Crime Lab, batay sa resulta, ang sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Jomar Hayawon ay multiple gunshot wounds sa ulo at extremities.

Gayundin si Jonalyn Ambaan na may multiple gunshot wounds sa ulo, trunk at sa mga extremities nito.

Sinabi ni Carino na may nakita din ang medico-legal na tattooing sa ulo sa nasawing babae na ibig sabihin, malapitan ang pagbaril kay Joana.

Dagdag pa dito, natuklasan din ang nitrate powder malapit sa kamay nito.

Una nang nagpositibo sa gunpowder si Ambaan.

Sa ngayon, hinihintay na lamang nila ang resulta ng ballistics at paraffin tests kabilang ang trajectory result ng mga armas na ginamit.

Samantala, ayon naman kay Eastern Police District (EPD) Director C/Supt. Reynaldo Biay, hawak na rin sa ngayon ng SITG Shaw ang autopsy result mula sa Crime Lab bilang bahagi ng ebidensiya sa kaso laban sa barangay chairman at sa tatlong tanod ng Barangay Batasan Hills.

Giit ni Biay, lahat ng ebidensiya ay iko-collate nila laban sa mga akusado.