-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patay na nang marekober ng mga rescuers ang isang ginang na natabunan ng landslide kasama ang kanyang asawa kagabi sa Sitio Sampinit, Brgy. Maitom, Tandag City, Surigao del Sur dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Napag-alamang habang naglalakad ang mag-asawang Cabrera sa gilid ng daan ay bigla na lang naganap ang landslide.

Parehong natabunan ang mag-asawa ngunit nailigtas ng kanyang kapatid si Alger Cabrera at dali-daling dinala sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center (ASTMMC).

Una nang nagdeklara ng orange rainfull alert sa lalawigan nng Surigao del Sur kahapon pati na sa Tandag City dahil sa malakas na pag-ulan.