Kinumpirma ni Major Rogelio Dumbrique ng 702nd Infantry Brigade ng Philippine Army na ang namatay na babae a naksapi ng Kilusang Larangang Gerilya South Ilocos Sur na nakasagupa ng military noong Sabado sa Suagayan, Sta Lucia ay nagtapos sa University of the Philippines.
Sa panayan ng Bombo Radyo Vigan kay Dumbrique, sinabi nito na dati ng aktibista si Pamela Peralta alyas Maymay at kalaunay naging New People’s Army at kinasagupa ng militar.
Aniya, mayroon pang mga kasamahan si Maymay na tatlong top leader sa Namatican, Sta Lucia na nagtapos din sa UP na una nang namatay noong February 13 dahil nakipagsagupaan sila sa mga kasapi ng militar.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Dumbrique ang mga NPA na mas mabuti na lamang na sumuko sila sa gobierno dahil wala aniyang magandang maidudulot ang pakikipaglaban nila sa gobierno.
Hiniling din nito ang pakikipagtulongan ng mga residente sa nasabing lugar na kung mayroon silang mapansing presensiya ng NPA ay ipagbigay alam nila sa mga kasundaluhan o mga pulis upang agad na maaksyonan.
Tiniyak din ni Dumbrique ang kaligtasan ng publiko sa kablia ng mga nangyayaring giyera sa pagitan ng militar at NPA sa nasabing bayan kasabay ng patuloy na hot pursuit operation dahil nakatitiyak silang hindi pa nakakalayo ang mga ibang kasamahan ng mga namatay na KLG-SIS dahil may mga sugatan sakanila na pinaniniwalaang nagtatago lamang sa nasabing lugar.
Gayunman, wala nang naidagdag na bilang ng mga namatay sa nasabing engkwentro.