-- Advertisements --

BUTUAN CITY – dinis-armahan na ng Butuan City Police Office ang isang babaeng pulis na nagpositibo sa ilegal na druga matapos ang isinagawang random drug test ng mga tauhan ng PNP Regional Crime Laboratory nitong Setyembre a-7 sa 24 na mga tauhan ng Butuan City Mobile Force Company nga na-assign sa Bancasi checkpoint.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police Office spokesperson PMajor Emerson Alipit na isina-ilalim pa sa confirmatory test ang resulta sa drug test ni Patrolwoman Kizea Kaye Golindang na limang taon na sa serbisyo at positibo pa rin ito.

Dahil dito’y nasa kostudiya na ito ng holding area ng Police Regional Office (PRO) 13 at binigyan ng 15 araw upang itsa-challenge ang nasabing drug test result.

Nilinaw din ni Major Alipit na dismissal from service ang parusang kakaharapin ng kahit na sinumang lalabag at kakasuhan pa ito ng grave misconduct kaugnay na rin sa ipinatupad na Intensified Cleansing Policy ni Philippine National Police kon PNP Chief Director General Guillermo Eleazar.

Dagdag pa ni Major Alipit, magsisilbi rin itong stern warning sa lahat ng mga pulis upang hindi na gagawa pa ng mga ilegal na aktibidad lalo na’t pursigido si Gen. Eleazar na ipagpatuloy ang internal cleansing.