-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isinuko ng mga kapatid sa mga otoridad ang babaeng brutal na pumatay sa mag-ina sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang suspek na si Elvie Frenilla, 39 anyos, may asawa at residente ng Purok Crossing Laud Barangay Kalawag 2 Isulan Sultan Kudarat.

Isinuko ng suspek ang isang pulang t-shirt at may mga mantsa ng dugo, itim na short pants, at mga tsinelas.

Isinailalim na ang mga ito para sa DNA examination.

Inamin ng suspek na sya ang pumatay sa mag-inang Noralyn Eribal at anak nitong lalaki na walong taong gulang.

Silos o pagnanakaw ang posibling dahilan ng suspek para patayin ang mag-ina.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Isulan MPS at patuloy na iniimbestigahan.