-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang 33 taong gulang na babaeng Person with Disability (PWD) matapos naglaslas ng pulso sa Barangay Calapawan, Dumarao, Capiz.
Kinilala ang biktima kay Lany Hallarsis ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Dumarao Municipal Police Station umalis ang ina ng biktima na si Mila Hallarsis para mamalengke ngunit ikinagulat nito na sa kanyang pagdating sa bahay ay natagpuan na lamang nito ang anak na wala nang buhay.
Nabatid na itak ang ginamit ng biktima sa paglaslas sa pulso sa kaliwang kamay.
Pinaniniwalaang motibo ng biktima sa paglaslas ng pulso ang ini-indang sakit.
Dinala pa sa Dumarai Rural Health Unit ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.