-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang STL Agent sa pamamaril sa Cotabato City dakong alas 7:00 nitong gabi ng Linggo.

Nakilala ang biktima na si Rizia Mae Pardillo Ycot,24 anyos at residente ng Malagapas Street Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP,nakatayo lamang ang biktima sa STL outlet di kalayuan sa kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng hindi kilalang suspek gamit ang .9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.

Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa mamumuno ni Colonel Querubin Manalang sa pamamaril patay sa STL Agent.