-- Advertisements --

Binigyan ng pardon ang isang Iranian na babaae matapos itong sintensyahan ng isang taong pagkakakulong dahil sa pagtanggal nito ng kanyang headscarf o hijab sa isang public protest na isinagawa sa bansa.

Si Vida Movahed, 35-anyos, una ng hinatulan ng guilty dahil sa paghikayat umano nito ng public corruption.

Ang pagsusuot ng headscarf o hijab ay ginawang mandatory noong 1979 matapos ang Iranian revolution at pagtalaga kay Ayatollah Khomeini bilang Supreme Leader.

Sa loob ng mahabang taon, libo-libong kababaihan sa Iran ang nagprotesta dahil dito.