-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Arestado ang isang babae na umano’y tulak ng shabu sa Isla ng Boracay matapos nga ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa tinitirhang apartment sa Sitio Bantud, Barangay Manocmanoc, Malay, Aklan.

Nakilala ang nahuling suspek na si Melissa Dolagan Tuclab, 48-anyos, tubong Kalinga, Apayao at kasalukuyang nangungupahan sa isang apartment sa naturang lugar.

Nakuha mula sa suspek ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Maliban sa droga, narekober din ng mga otoridad ang isang P1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Nakakulong na ang suspek sa Malay Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kabila nito, mariin niyang itinatanggi na sangkot siya sa pagbebenta ng illegal na droga.

Nabatid na kumukuha siya ng supply sa bayan ng kalibo at lalawigan ng Capiz.