KORONADAL CITY – May tinitingnang anggulo na ang mga otoridad sa pamamaril-patay sa isang babae na umano’y striker ng Highway Patrol Group-South Cotabato.
Ito ang inihayag ni P/Maj. Randy Apostol, hepe ng Tantangan Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang biktima na si Mary Ann Lustro y Bolanio, 29 anyos, single, Highway Patrol Team striker, at residente ng Brgy. San Felipe, Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay Apostol, lumbas sa kanilang imbestigasyon na habang minamaneho ni Bolanio ang kanyang motorsiklo pauwi ay sinabayan ito ng dalawang suspek na nakamotorsiklo din ay nang makarating sa lugar ay agad na pinagbabaril ang biktima.
Isunugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian na ng buhay.
Sa ngayon, dalawang angguno ang tinitingnan ng mga otoridad na motibo ng krimen.
Ang posibilidad na kaugnayan nito sa trabaho o personal grudge dahil marami umanong utang ang biktima.
Mahigpit naman na kinundena ng pamunuan ng Highway Patrol at maging ng South Cotabato Police Provincial Office ang pamamaslang sa biktima.