Binantaan ng North Korea ang Estados Unidos na huwag na nitong subukan na makialam sa inter-Korean relations kung ayaw umano nito na magkaroon ng lamat ang samahan ng magkabilang panig.
Ayon kay Kwon Jong-gun, director general ng North Korean foreign ministry ‘s American affairs department, labis umano itong nadismaya sa naging desisyon ng Pyongyan na putulin ang lahat ng komunikasyon nito sa South Korea.
“If the US pokes its nose into others’ affairs with careless remarks, far from minding its internal affairs, at a time when its political situation is in the worst-ever confusion, it may encounter an unpleasant thing hard to deal with,” saad ni Kwon sa isang interview.
“The US had better hold its tongue and mind its internal affairs first if it doesn’t want to experience a hair-raiser. It would be good not only for the US interests but also for the easy holding of its upcoming presidential election,” dagdag pa nito.
Hindi naman naging malinaw kung anong klaseng “hai-raiser” ang tinutukoy ni Kwon ngunit tila malinaw na isa itong pagbabanta sa maaaring impluwensya na idulot ng North Korea sa gaganapin na 2020 US presidential elections kung saan muling tatakbo si US President Donald Trump.
Tahasan din nitong pinagbintangan ang Amerika sa di-umano’y pagiging hipokrito ng bansa dahil sa pagtutol nito sa kasalukuyang sitwasyon sa pagitan ng dalawang Korea.
“Disgusting is the double-dealing attitudes of the US that feels uneasy over any slightest sign of the improvement in the inter-Korean relations and pretends to get very anxious if the relations get worse,” wika ni Kwon.
“How can the ‘disappointment’ touted by the US be compared with the extreme dismay and resentment we are feeling at the US and the south Korean authorities that have repeated betrayal and provocation for the last 2 years?”
Ang tinutukoy ni Kwon ay ang mga pinataw na sanction ng US laban sa North Korea hanggang sa tuluyan nang sumunod sa denuclearization ang nasabing bansa.