Mariing itinanggi ni retired American champion Floyd Mayweather Jr. ang mga haka-hakang ubos na raw ang kanyang yaman.
Una rito, sinabi ng rapper at dating kaibigan ni Mayweather na si Curtis “50 Cent” Jackson na wala na raw pera si Floyd kaya kailangan na raw nitong lumaban muli sa boxing.
Ayon kay Mayweather, ayaw niya raw makipagbasagan ng mukha sa mga batang fighter o kahit kay WBA welterweight champ Sen. Manny Pacquiao.
Pero sinabi ng undefeated legend, mababago raw ang kanyang isip kung ang presyo nito ay nagkakahalaga ng $600-milyon.
“If I see an opportunity where I can entertain and have a little fun and make $600 million, why not?,” wika ni Mayweather sa isang panayam. “If I am going to do something, it’s got to be worth it.
“People keep saying, ‘Floyd ain’t got nobody, he don’t got this and he don’t got that’, but I’m going to break certain things down. I don’t monitor nobody else’s pockets. Am I comfortable? Absolutely. Do I make seven figures every month? Absolutely. From smart investments? Absolutely.
“There’s no number that’s worth me getting back in that ring and fighting these young fighters to get any type of wear and tear on my body.”
Ani Mayweather, kaya raw siya madalas nag-eensayo sa gym ay para mapangalagaan ang kanyang katawan at makapaglibang.
Hindi umano niya iniisip na lumabas sa pagiging buhay retirado.
Matatandaang inihayag ni Mayweather na kumita raw siya ng kabuuang $600-milyon sa dalawa sa kanyang pinakamalaking pay-per-view fight, partikular sa laban kina Pacquiao noong 2015 at Conor McGregor noong 2017.