-- Advertisements --

Tiwala si Senate committee on foreign relations chairperson at outgoing Sen. Loren Legarda na manunumbalik sa normal at maganda ang samahan ng Pilipinas at Canada sa kabila ng naging problema sa basura.

Ayon kay Legarda, mas maraming mabubuting pinagsamahan ang dalawang bansa, kaysa sa isang problemang unti-unti na ring nareresolba.

Bagama’t mariin ang pagtutol ng senadora na isa ring environmentalist sa pagtatapon ng ibang bansa ng kanilang toxic waste, nais naman nitong maging maingat din sa pagtugon sa problema upang hindi humantong sa panibagong sigalot.

Dapat aniyang tumugon ng mas maaga, kagaya ng paghihigpit sa port area at pag-monitor sa mga pumapasok na container vans, maliban sa pagtingin lamang sa mga dokumentong isinusumite ng importers sa Bureau of Customs (BoC).