KALIBO, Aklan – Isang inahing baboy ang umano’y ginahasa ng isang hindi pinangalanang lalaki sa loob ng piggery sa Barangay Camanci Norte, Numancia, Aklan.
Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ng may-ari ng baboy na tumangging magpabanggit ng pangalan na naalimpungatan siya dahil sa ingay na dulot ng alagang nitong baboy.
Agad nitong pinuntahan ang babuyan at doon naaktuhan ang suspek na hubot-hubad na ginagahasa ang kanyang buntis na baboy.
Sinita umano niya ito dahilan na kumaripas ng takbo habang pilit na itinatago ang kanyang mukha.
Hinabol pa niya ito ng espading, subalit hindi na naabutan.
Dumulog sa barangay council ang may-ari ng baboy dahil halos tatlong beses na umanong ginawa suspek ang pagbaboy sa kanyang alaga na nakatakdang manganak sa katapusan ng buwan.