GENERAL SANTOS CITY – Darating sa Metro Manila ang iba’t ibang shipment ng baboy mula sa Gensan at South Cotabato.
Ayon kay Department of Agriculture 12 Director Arlan Mangelen idinaan sa Surigao port habang nagpatuloy naman ang ibang shipment kagaya ng Makar port nitong lungsod.
Unang dumating sa Makar port nagdaang araw ang 655 na baboy mula sa Acmonan Tupi, South Cotabato na nasundan ng 1,015 na mga baboy.
Ibang batch naman ang 3,500 na baboy mula sa South Cotabato Swine Producers Association habang 2,000 nagmula sa Biotech Farms sa Banga South Cotabato.
Dagdag ni Mangelen na holistic approach ito ni DA Sec William Dar para suportahan ang karne at ibang meat products sa Luzon.
Nalaman na kinulang ang suplay nga karne sa Luzon matapos nagpositibu sa African Swine fever ang mga baboy sa Greater Manila area.