BUTUAN CITY – Naghiyawan sa tuwa ang mga taong nakasaksi sa panganganak ng isang ginang sa isa sa mga cottages sa beach resort ng Brgy. Caasinan, Cabadbaran City sa lalawigan ng Agusan del Norte kahapon.
Base sa Facebook post ni Mark Anthony Bernat, nagkanya-kanyang dasal silang mga nakasaksi sa delivery dahil putlang-putla na ang bata dahil na rin sa late na itong lumabas.
Pinipikpik naman ng mga taong nakapaligid sa ginang ang anak nito dahil sa hindi ito umiyak kungsaan na-abutan pa ng iilang minuto bago ito naiyak dahilan na naghiyawan kaagad sila dahil sa tuwa.
Maraming mga pangalan na rin ang nirekomenda ng mga netizens na karamihan ay double names kungsaan kasama na dito ang pangalang Easter o Esther dahil nga iniluwal ito ng Easter Sunday.