-- Advertisements --
Makilala map

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang anim na buwan na sanggol na kasama sa inilikas ng kanyang mga magulang dahil lindol sa probinsya ng Cotabato

Nakilala ang biktima na si alyas Paila na nakatira sa Sitio Lubi, Brgy New Bulatukan, Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Makilala Municipal Health Officer Dr Georgina Sorilla, nagka-LBM (loose bowel movement) at may pantal-pantal o rashes sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang sanggol.

Nabigyan naman ng gamot ang sanggol ngunit hindi na ito naagapan at binawian ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy na lomolobo ang bilang ng mga pamilya na lumikas sa bayan ng Makilala na nagmula sa mga malalayong barangay.