-- Advertisements --
Pinasilip na ng buo ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang mukha ng kanilang anak.
Sa social media account ng dalawa ay nagpost ang mga ito ng larawan ng one-month old na si Rose Tawille Manzano o Baby Rosie.
May caption ito ng pagbati ng “Happy 1-month old” mula sa celebrity couple.
Bumuhos naman ng mga pagbati mula sa kapwa nila artista ng tuluyang ipakita ng dalawa ang mukha ng kanilang nag-iisang anak.