-- Advertisements --
Kinilala ng Guinness World Records ang sikat na children song na “Baby Shark” bilang unang video na nakaabot ng 10-bilyon views sa YouTube.
Mula ng ito ay ilabas ng South Korean educational company na Pinkfong noong June 2016 ay mabilis na itong nag-viral sa buong mundo.
Nahigitan nito ang kantang “Despacito” ni Luis Fonsi noong 2020 bilang most viewed music video ng YouTube noong 2020.
Bilang pagdiriwang ay hinikayat ng kumpanyang Pinkfong ang mga bata sa buong mundo na ibahagi sa kanilang social media page ang kanilang “Baby Shark” moments.