-- Advertisements --

Isang babysitter sa Kansas, USA ang natakot nang makita ang isang lalaki na nagtatago sa ilalim ng kama habang yakap nito ang bata na nagsumbong umano na may halimaw sa kaniyang kuwarto.

Nadiskubre ng mga awtoridad na ang lalaking nagtatago sa ilalim ng kama ng bata ay kinilala bilang suspek sa kidnapping, burglary, battery at child endangerment.

Batay sa Barton County Sheriff’s Office, ang insidente ay nangyari nang gabi habang papatulugin na sana ng babay sitter ang mga alaga nitong bata ngunit isang bata umano ang nagreklamo na may “monster” sa ilalim ng kama nito, at nang subukang tignan ng babysitter ‘ tumambad dito ang isang lalaki.

Nag-pangabot pa umano ang dalawa na nagresulta sa pagkakasuntok ng isang bata. Mabilis din umanong tumakas ang suspek at nahuli din kinabukasan sa parehong lugar.

Kinilala ang suspek na si Martin Villalobos Junior na kasalukuyang nakakulong na sa Barton County Jail at may piyansang $500,000.

Top