-- Advertisements --

Itinanggi ng singer na si Nick Carter ang sexual-abuse na inaakusa ng isang babae.

Ayon kasi umano sa biktima nangyari ang insidente noong 2003 kung saan 15-anyos ang babae habang 23-anyos na ang BackStreet Boys member.

Akusasyon ng biktima na hinikayat siya ng singer na sumakay sa yate at bus habang nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin.

Sinabi naman ng abogado ng singer na si Dale Hayes Jr na mayroong ibang intensyon ang biktima dahil sa nangyari ang akusasyon ng dalawang dekada na ang nakakalipas.

Ito na ang pangatlong babae na nagreklamo laban kay Carter na ang unang dalawa ay nagka-ayusan na sila.